Sinasabi ko na nga ba hindi ako nagkamali. Kalagitnaan pa lang ng librong ito ni Lualhati Bautista alam ko na na ito ang magiging paborito ko. 5 Stars! "Pero sa gitna ng larangan, patuloy ding nasala ang mga tunay at huwad; naihiwalay ang binhi sa ipa. Bumaba at umuwi ang mga hindi nakatagal, o lumabas at sumuko, humalik sa paa ng kaaway. Naiwan ang mga butil na ginto para patuloy na itanim at payabungin ang binhi ng pagka-makabayan. Umabot sa sampung libo ang bilang ng mga biktimang ikinulong, ginahasa, nawala, at pinatay." Isa lang ang sipi na yan na nagawang buksan ang makapangyarihan kong imahinasyon bilang mambabasa.Sa istilo ng pagsasalaysay, brutal, makatotohanan, malalim at nag-iiwan ng 'trauma' sa nagbabasa. Walang pasubali, kung galit ang karakter, natural na magmumura siya dahil kasumpa-sumpa naman talaga ang mga pinaggagawa ng mga militar sa kanila. Para sa'kin ito ang libro ni Lualhati na pinaka punumpuno ng damdamin.Ito ang libro na kung saan ay kinakailangan mong huminto pansamantala sa pagbabasa upang tumitig sa dingding ng iyong kuwarto at bumuo ng imahe upang mapanood ng aktuwal ang isang eksena.Wala akong pakialam sa 'taglish' dahil sa hindi ko malamang dahilan, hindi ako naaasar. May ibang libro ako na nabasa na nagta-taglish din ang manunulat pero makakaramdam ka ng disgusto. Maaaring hindi nababagay siguro sa akda. Pero kapag si Lualhati ang bumanat ng taglish (siguro may karapatan naman siya bilang Palanca Awardee) ay walang probelam sa'kin. Sa'kin lang naman. :) 5 Stars din sa'kin ang Gapo pero ito talaga ang 'da best' Lualhati book para sa'kin. Darating ang araw at muli ko itong babasahin. Kung ang babasa ay may maka-masang pag-iisip (o layman’s) hindi mapasusubaliang may kakayanan ang librong ito na itransporma ang isang indibidwal na Pilipino mula sa isang payak o pangkaraniwang tao patungo sa isang rebolusyunaryo. Umaalsa sa bawat titik nito ang hindi mapa-hihindiang katotohanan sa likod ng Martial Law. Makakapa sa bawat pahayag ng nobela ang hinanakit ng mamamayan sa mga kanayunan, sa mga mala-hayop na pagtatrato, sa mga pag-sagad ng mga sundalo sa karapatang pantao. Dahilan na ang libro ay karapad-dapat lang na maging Bibliya ng mga mandirigmang pula.Ang mga pinaka-tampok na pangyayari sa akda ay isinulat ng walang pagpipigil sa sarili at walang halong pagkukunwari. Ang mga detalye ay isinulat sa paraang nasasa-isip ng mambabasa ang mismong nangyayari na para bang naroon din siya habang nagyayari ang mga iyon. Nagagamit ni Bautista ang kanyang pagiging scriptwriter ng mas kapaki-pakinabang. Maraming mga dahilan para bansagang “alamat” ng panitikang maka-realismo si Bautista, isa na ang libro ito sa mga iyon.Sampung beses na mas mabigat ang librong ito kung ikukumpara sa Dekada ’70, sa paraan, sa pagkakalahan, sa kabuuan, sa nilalaman, sa tapang, at sa lahat ng aspektong nakapaloob sa akda. Hindi katulad ng mga naunang nobela ni Bautista, ang akdang ito ay hindi gaanong pinag-usapan, ngunit kung pakaliliimin, ito na siguro ang masasabing obra maestro ni Bautista. Wala halong pagtangging ang akdang ito ay patuloy na dadaloy sa dugo ng iba’t ibang henerasyon.Sa pagdaan ng mga panahon, sasabihin kong ang pangalang “Lualhati Baustista” ay hindi nalang mananating pangalan kundi isang simbolo ng matapang na Pilipinang manunulat.
What do You think about Desaparesidos (2006)?
The emotions, the twist of events, the characters.. Sent me to tears..
—natz
Lualhati Bautista will always have a special place in my heart.
—nick39