Share for friends:

Read Tutubi, Tutubi, 'Wag Kang Magpahuli Sa Mamang Salbahe (1987)

Tutubi, Tutubi, 'Wag Kang Magpahuli Sa Mamang Salbahe (1987)

Online Book

Rating
4.24 of 5 Votes: 1
Your rating
ISBN
9711003635 (ISBN13: 9789711003630)
Language
English
Publisher
New Day Publishers, Philippines

Tutubi, Tutubi, 'Wag Kang Magpahuli Sa Mamang Salbahe (1987) - Plot & Excerpts

This is the first book I've read that turns me on to reading. I haven't finished it though, since I am not really a reader at that time, I don't use bookmarks so I kept on reading the same chapters over and over again, not knowing where I left off. My sister just borrowed it from their library and she borrowed it for me thinking that I may like it. I haven't finished any novel back then, nor attempt to read one. I thought that reading is a chore and it's boring. Who would finish a hundred plus pages book just reading words. Plus that I was in college back then, I have to read things that I'm not interested in but I have to.But since this is written in a language that I could easily understand. I read it. And it's not simply the comprehension of language, I was having fun reading it. The way the author narrates the story, it keeps me on grip. His style is contemporary. He defies the way the old-school-classic-textbook folks tells a story, which I find boring and a chore. It just reminded me of the not-so-fun stories that I have to analyze and homework I have to do back in high school.And may I include that I was a shy, introverted, freshman college on a new school back then. I don't talk to anyone, especially to my seatmates. We just don't find each other interesting. I have no friends nor lovers. I was alone. And this book saved me many times on the awkward moment of aloneness[sic] and silence. In short, I can say that I have no choice but to read this in order to get through the day. And since then, I turn my interest on books, but in a way to make me look cool and genius. Which maybe is just a stage on becoming a booklover.Anyway, this is a story about a radical teen activist trying to hide his ass from obedient military soldiers on martial law era. I cannot remember most of the story, but how I felt and how I laughed alone when I was reading this, I won't. Mas marami akong kaibigan na mas bata sa akin. Hindi ko alam kung bakit. Kahit sa opisina, ako na ang isa sa pinaka-matanda. Ang mga kaklase ko sa high-school, bumalik na sa probinsya matapos makipagsapalaran sa ibang lugar. Ang mga kaklase ko sa college, mas maraming nasa ibang bansa. Ang tao, mas madalas sa hindi, ay self-centered. Natural daw ito, lalo na sa mga bata. Kung baga sa Maslow's Hierarchy of Needs, malayo pa sila doon sa tinatawag na self-actualization dahil marami pa silang mga needs na dapat ma-address. Sa madaling-salita, marami pa silang gustong gawin. Marami pang gustong patunayan. Natural lang yon. Sabi ko nga sa asawa ko na patungkol sa anak ko.Sa isang kagaya ko na nasa huling kalahati na ng buhay, marami na akong narating at marami na ring napatunayan. Di lang nga ako yumaman o hindi naging CEO pero sabi nga nila ang tagumpay ay hindi kung gaano kataas ang narating mo, kundi ano ang pinagdaanan mo para marating ito.Kahapon lang, may kaibigan ako sa opisina na kinuwentuhan ko ng ilang bahagi ng Tutubi, Tutubi, 'Wag Kang Magpahuli sa Mamang Salbahe.Ka-Opisina:Ano ka ba naman, K.D., marami pang taong di pinanganak ng mangyari yang Martial Law" Ako:Exactly. History repeats itself. We might as well learn from its lessons. Actually, di ko naman naranasan ang mga ito pero napanood ko rin sa TV o sa sine o nabasa sa dyaryo.Ka-Opisina: Di kasi ako maka-relate. Di ako mahilig sa historyAko: Sabagay, ako di mahilig sa math HehePaano nga ba ipapaliwanag ang isang yugto sa kasaysayan ng bansa na magiging interesante sa panlasa ng isang kabataan? Ito ang tinangkang gawin ni Jun Cruz Reyes dito sa Tububi. Nagwagi ng Palanca noong 1982 at nanalo rin ng National Book Award mula sa Manila Critics Circle. Ang pangatlong limbag nito noong 2008 ay ang UP Jubilee Student Edition designed to bring the best of Philippine literature within the reach of students and general public. Ayan, kinopya ko lang yan word-for-word sa likod na pabalat ng libro. Nagpupursigi talaga ang U.P. na ipamahagi ang kaalaman sa literatura, kasama ang kasaysayan ng Martial Law, sa kanilang mga inilalabas na libro.Ang Tutubi ay kasaysayan ng mga estudyante sa Philippine School for Science and Technology noong ideklara ni Marcos ang Martial Law. Ang mga tutubi rito ay ang mga magkakabarkadang lalaki na mga iskolars ng bayan dahil matatalino sila nguni't mahihirap. Ang Mamang Salbahe rito ay yong Metrocom na nanghuhuli ng mga aktibista. Ayaw daw ng narrator na gamitin ang ibon sa halip na tutubi dahil obvious. Ang unang bahagi ay ang mga kuwento tungkol sa kanila buhay-estudyante, inuman, sigarilyo, pagtatambay sa folk house sa Cubao, pagnanakaw ng kangkong sa katabing lote, pagiwas sa naniningil na landlady at pagaala-ala sa mga magulang na naiwan nila sa probinsiya. Boring karamihan. Ang pangalawang bahagi ay ang buhay nila bilang mga aktibista. Doon nabuhay ang kuwento. At ang epilogo ay parang isang brilyanteng kumikinang sa ganda ng pagkakalahad. Kung di lang nga napanood ko na ang kuwento ni Piolo Pascual at Vilma Santos sa Dekada '70 na batay sa nobela ni Lualhati Bautista, baka nabigyan ko pa ito ng ilang dagdag na bituin.Ang prosa ni Reyes? Halong Bob-Ong at Ellen Sicat. At mas marami sa kanyang stream-of-consciousness o yon parang sinasabi sa aklat ang iniisip, kaysa sa mga characters na tahakang nagsasalita. Kaya kung hindi yan ang tipo mo sa nobela, huwag mo na lang tangkain basahin ito. Matatagalan bago mo matapos. Pero ang payo ko lang, pagtiyagaan mo ang unang bahagi kung ikaw ay kagaya ko na rin ang edad, dahil sa pangalawang bahagi, sulit naman ang oras at pera mo.Kung tutuusin, marami rin namang kabataan ang may kamalayan sa nakaraang kasaysayan. Hindi naman lahat pulos librong Amerikano lang ang binabasa. Karamihan lang nga nababaduyan sa librong Tagalog o librong Pinoy, mapa-Tagalog man o Inggles. Nakakalungkot din. Pero kanya-kanyang trip lang yan. Malay mo, balang araw kapag ka-edad ko na rin yang ka-opisina kong yon, magbabalik tanaw din sya sa kasalukuyang panahon. Kailan rin lang ba ako nahilig magbasa ng Tagalog na nobela

What do You think about Tutubi, Tutubi, 'Wag Kang Magpahuli Sa Mamang Salbahe (1987)?

Kailangan KO sa Assignment ko
—babloo

kghjn lkm ,,. kljhuiobnm,m
—Nix

:)
—DanielleAArnold

Write Review

(Review will shown on site after approval)

Read books in category Science Fiction