Mga Tagpong Mukhang Ewan At Kung Anu Ano Pang Kababalaghan! (2005) - Plot & Excerpts
Pinakauna 'to sa Kikomachine Komix Series ni Manix. Kumbaga, ito ang kanyang baby. Ito 'yong simula kaya 'yong mga drawing dito, 'di pa gano'n kasing improved kumpara sa mga sumunod. Sketchy pa 'yong dating ng mga drawing 'di tulad sa mga sumunod na may kaunti nang pattern, may depth at mas litaw ang galing ni Manix sa comics at doodle. Kung nabasa mo na lahat ng libro ni Manix, makikita mo 'yong pagyabong niya as an artist and as a writer/story-teller/philosopher. Whatevs. Corny pa 'yong ilang joke rito eh at may mga pa-deep ng thoughts. Simula pa lang talaga, witty na ang dating ng comics ni Manix at naging consistent siya rito dahil mula Kikomachine Komix 1 hanggang 10, iisa lang halos pagtrato niya sa humor. May corny, satire, may deep, may thought provoking at may SOBRAng nakakatawa talaga. More power kay Manix para mapagpatuloy pa niyang mapalaganap ang "Rak en Rol" sa mundo. Target ko talagang tapusin lahat ng mga Kikomachine Komix na 'to eh. Dehins na 'ko mahihirapan kasi nga may nakita na akong bilihan (ang hirap kasi humanap sa SM sa may amin eh), shangaps, as usual, asteeg ang gawa dito ni pareng Manix. Nakilala ko ang unang labas ng mga nameless characters na sinubaybayan ko nun palang sa Inquirer."Ang nagtatanong ay mukhang tanga, ang hindi nagtatanong ay nananatiling tanga.""Batak mo, stop ko." Nyahahaha. Rakenrol! sa unang Tagalog na review ko dito. 'Steeeg!
What do You think about Mga Tagpong Mukhang Ewan At Kung Anu Ano Pang Kababalaghan! (2005)?