She's Dating The Gangster Extended Edition (2000) - Plot & Excerpts
First bumped into SexyLove two years ago, on that orange Ebook site called Wattpad, though it took me a while before I actually got to know him and the love of his life. To be honest, I blew this story off a couple times because when I saw the title, all I could think was “BOF vibes siguro? Corny.” but I kept seeing it everywhere – discussions, threads, social networking sites – so I caved in, and fortunately it turned out much better than I expected. Then it got published. I bought the book to see if it would still have the same effect on me despite the minor revisions, and it did. I read it for four hours straight, ending up as a crying mess at 12:54 AM. Next, it became a movie. The best part? KathNiel were chosen for the leads. My favorite local work, my OTP and a brilliant director behind the camera. What more could I ask for? Ah! I know, a Kenneth/Kelai spinoff, perhaps? Hahaha. :D I will write this review in taglish. Ok. I just finished reading this minutes ago and still I am crying. I read the wattpad version and not the first released book. Nakita ko din kasi sa National bookstore na meron ding nilabas recently na version, much like the original one. Curious ako na basahin yun.Sa totoo lang, may hesitation ako nung una na basahin tong libro na ito kasi hindi ako mahilig sa tagalog stories (until nadiscover ko ang wattpad). At mukhang mababaw.Unang una, I get turned off with bad writing, katulad nung Twilight series. Tinigilan ko pagbabasa noon kasi nakakairita yung pagkasulat. Yun ang una kong naramdaman nung nabasa ko ito. Pero may something e, may rawness and mararamdaman mo yung genuine feeling sa pagkakasulat nito. Parang kung ikaw yun nasa sitwasyon o nangyayari sayo yung nasa libro, ganoon mo rin sya iisipin e. Ganoon din ang mararamdaman mo.Aaminin ko, medyo magulo ang storya minsan kasi hindi lahat inexplain pero let's not forget na hindi naman ito sinulat ng writer thinking na maipupublish ito (at least not for the original story in wattpad). Kaya sa mga nagjujudge sa pagkakasulat, intindihin din nyo na hindi naman professional ang nagsulat (that time - at wala syang editor). Kaya be forgiving.Yung story, oo napaka typical. Pero si author kasi dinala nya tayo sa nararamdaman ng characters. Ramdam na ramdam mo lahat ng feelings nila at that time. Yung galit, inis, saya, pagkalito at lalung lalu na, yung kilig. Malabong hindi ka makarelate sa story na ito. Madaming nagsasabi na mababaw. Pero diba nung highschool ka, akala mo din naman napaka big deal ng lahat? Pag bata ka, amplified lahat ng feelings.Matagal tagal din ako hindi nakabasa ng libro na napafeel sakin yung kilig factor. Sa librong to, numerous times ko naramdaman yon. Napangiti at tawa ako habang mag isa nagbabasa, at napasabi din ako out loud na - "Oh my god Athena, TAMA NA." at ng "ANG TANGA MO KENJI."Nahook ako sa storya. Kahit sa trabaho hindi ko maiwasan basahin ang libro. Ilang beses ata ako nahuli ng boss ko na nagbabasa sa cellphone. (Hi boss! haha) Tapos excited ako basahin ang libro, nagpuyat ako para matapos pero nung nasa may huli na ako natakot ako na matapos kaagad. Ilang libro lang nakapag paramdam nun sakin.Hindi ako maglalagay ng spoiler pero alam naman ata ng lahat na hindi happy ending ang kinalabasan ng storya ni Athena at Kenji. Naiyak ako. At hanggang ngayon pag naririning ko yung mga kanta sa libro tumutulo luha ko. pramis peksman. Ang moral lesson lang naman sa librong ito ay - IPAGLABAN MO. Pag mahal mo, wag ka matakot na masaktan. Mahalin mo ang mga nasa paligid mo. Wag mong pabayaan na dumating ang oras na, alam mo na at sigurado ka na sa kanya pero..mawawala na pala sya sayo.
What do You think about She's Dating The Gangster Extended Edition (2000)?